


Ang “Gulayan Festival” ay nagsimula noong Ika – 23 – 25 ng Enero, 2012, bilang pagkilala at pasasalamat sa Pintakasing San Pablo Apostol sa masaganang ani sa pangunguna ng noon at dating Pangalawang Punong Bayan, Manananggol Jobby Petines Emnata ay Sangguniang Bayan Member Rosalie S. Cabungcal. Simula noon ay taon – taon ng ipinagdiriwang ang “Gulayan Festival” kung saan ang magandang ani ng Gabaldueño ay ipinapakita sa makulay at masayang “Street Dancing Competition” kasama ang DEPED, NEUST Gabaldon Campus, Gabaldon Essential Academy at pribadong sektor. Tampok din sa pagdiriwang ang “Float Parade” na nilalahukan ng 16 na barangay mga paaralan at iba pa, at inaayusan ng mga gulay, prutas at mga bulaklak. Ang pinaka mahusay at simbolikong karosa na naaayon sa “Tema ng Programa” ang siyang makakakuha ng kaukulang gantimpala, para sa mga barangay ang kanilang gantimpala na mula sa Pamahalaang Lokal ay sa pamamagitan ng mga pagawaing pambarangay ganun din sa mga paaralan.
Mayroon ding “Trade Fair Exhibit” at “Labanan ng mga Banda” Carabao Raising at ang labanan o pagpili ng Bb. Gabaldon na mula sa 16 na barangay ng Gabaldon, na sa gabi ng “Auditorium” ang mga taga barangay, mga piling panauhin, mga halal at kawani ng Pamahalaang Lokal, mga taga DEPED at NEUST Gabaldon Campus ay mga saksi sa pagpuputong ng korona sa tinanghal na Bb. Gabaldon.
.png)